Magandang Bible

3 Juan
Chapter 1 of 1
left-arrow Chapter - 1 right-arrow
Verse 1

Mula sa isang Matandang pinuno ng iglesya—Para kay Gayo na lubos kong minamahal.

Verse 1

Mahal kong Gayo, idinadalangin kong ikaw sana'y nasa mabuting kalagayan at malusog ang katawan, tulad ng iyong buhay espirituwal na alam kong nasa mabuting kalagayan.

Verse 1

Tuwang-tuwa ako nang dumating ang ilang kapatid at ibalitang ikaw ay tapat sa katotohanan at talagang namumuhay ayon dito.

Verse 1

Wala nang higit na makapagpapaligaya sa akin kundi ang marinig ang balitang namumuhay ayon sa katotohanan ang aking mga anak.

Verse 1

Mahal kong kaibigan, ang iyong paglilingkod sa mga kapatid kahit sa mga hindi mo kilala ay nagpapatunay na tapat ka.

Verse 1

May mga nagbabalita sa iglesya rito tungkol sa iyong pag-ibig. Sana'y tulungan mo sila sa kanilang paglalakbay, gaya ng nararapat gawin sa mga lingkod ng Diyos,

Verse 1

sapagkat naglalakbay sila sa pangalan ni Cristo at hindi tumatanggap ng anumang tulong sa mga di sumasampalataya sa Diyos.

Verse 1

Dapat natin silang tulungan upang tayo'y makabahagi sa pagpapalaganap ng katotohanan.

Verse 1

Sumulat ako sa iglesya subalit hindi binigyang pansin ni Diotrefes ang aking kapangyarihan; ang hangad niya'y siya ang kilalaning pinuno ninyo.

Verse 1

Kaya't pagpunta ko diyan, uungkatin ko ang lahat ng ginawa niya at ang mga kasinungalingang sinabi niya laban sa amin. At hindi pa siya nasiyahan doon; ayaw niyang tanggapin ang mga kapatiran na dumarating at hinahadlangan pa niya at itinitiwalag sa iglesya ang mga nais tumanggap sa mga iyon.

Verse 1

Minamahal, huwag mong tularan ang masamang halimbawang ito. Ang tularan mo ay ang mabuti, sapagkat ang gumagawa ng mabuti ay anak ng Diyos; ang gumagawa ng masama ay hindi pa nakakakilala sa Diyos.

Verse 1

Mabuti ang sinasabi ng lahat tungkol kay Demetrio, at iyan ay makikita sa kanyang magandang pag-uugali. Iyan din ang aming patotoo, at alam mong totoo ang sinasabi namin.

Verse 1

Marami pa sana akong sasabihin sa iyo, ngunit hindi ko na binanggit sa sulat na ito.

Verse 1

Inaasahan kong magkikita tayo at makakapag-usap sa lalong madaling panahon.

Verse 1

Sumaiyo nawa ang kapayapaan.Kinukumusta ka ng ating mga kaibigan dito. Ikumusta mo rin ako sa lahat ng ating mga kaibigan diyan.

Chapter -
1